Wednesday, June 29, 2005

Anong gagawin mo?





Ano ang gagawin mo kung naiwan ka sa isang building na magisa? o di kaya pag nasaraduhan ka na sa mall? eh, ano naman ang gagawin mo kung masaraduhan ka sa underpass? ....

Late na ako nakaalis ng office kagabi, mga 945pm. Sabay kami uuwi ng ate ko na nagtratrabaho sa Tower 1, 2 blocks away from our building. So may dalawang underpass akong dadaanan papunta dun sa building niya. Sa unang underpass, nakadaan pa ko. Tapos dun sa second, nakapasok pa ako. Pagbaba ko sa underpass, may ilaw pa. Pero nung nasa baba na ako, biglang sinirado yun railings/gate kung saan ako pumasok. so nung nakita ko na sinisirado na nila, tumakbo agad ako dun sa kabilang end kung saan dapat ako lalabas. pero pagdating ko dun sa dulo, nakita ko sa taas na sirado na. Tapos bumalik ako para pumunta dun sa opposite side. Nung malapit na ako sa gitna, bigla nilang pinatay ang ilaw. waaaaah. scary talaga. Yung tatlo gates sirado na, isa nalang yun bukas. buti nalang nakasigaw yung isang babae na "MANONG SANDALI LANG"

ito ang map nung dinaanan ko.

Buti nalang may taong sumigaw kung hindi maiiwan kami sa underpass ng buong gabi. Siguro mga anim kami dun.Syempre hindi ako sigurado kasi madilim. At ang malupit pa nun, 2 pesos nalang credits ko. At syempre kung makatext man ako, may magagawa ba yun taong natext ko? san nila hahanapin yun taong may susi?

...ang moral ng story ay dapat wag kayong dadaan ng underpass ng 930-10pm at baka masiraduhan kayo. o di kaya, dapat parati kayong may dalang gatorade. para sa mga lalaki lang yun, kasi baka maihi kayo pag nakulong kayo. hahaha. Sa mga babae naman, siguro dapat may dala kayong batya. paalala lang naman!

Pero malamay mo, ok pala ang mga kasama mo. yun nga lang malalaman mo kung ano itsura nila gamit ang mga cell phones or malamang makikita mo sila ng buong-buo sa umaga na.

STARRY NIGHT


Starry Night by Vincent Vangogh

This is my favorite painting. Ang galing kasi ng pagpaint ni Vincent Vangogh, sa sky and sa stars. Hindi ako nagsasawa titigan ang painting na ito. Parang pagtumingin ka sa langit na maraming bituin. Parang peaceful ang mundo. Namimiss ko tuloy ang puerto kasi yun ang ginawa ko nung nagiinuman kami sa may beach. Ang dami ko ngang nakitang shooting star eh. Ito ang isa naming pic ng barkada ko sa puerto nung nakahiga kami habang tumitingin sa mga bituin.


From background to foreground: Papu, Greggy, Chi and me while singing.....
When you wish upon a star,
makes no difference who you are
Anything your heart desires will come to you
If your heart is in your dreams,
no request is too extreme
When you wish upon a star as dreamers do
(Fate is kind, she brings to those who love
The sweet fulfillment of their secret longing)
Like a bolt out of the blue,
fate steps in and sees you thru
When you wish upon a star,
your dreams come true
San kaya si Jec and Kim...HMMMM, i smell something fishy. Sabi nga ni Greggy, "HUY BAWAL YAN DITO" hahaha!
Anyway, back to what I'm saying about the painting. Medyo ginaya ko ang style ni pareng Vincent. Ito ang painting ko entitled "CARNIVAL BREEZE" In-exhibit yan sa Dish sa ABSCBN compound. Oil pala gamit ko dyan sa painting. At wala na yan kasi nasa house na yan ng parents ko sa Baguio. Well sa nakikita niyo medyo trying hard ako maging artist. Pero sabi naman ng iba ok naman daw. Hinihingi pa nga yan nung isa kong friend kaso nga lang sabi ko ibibigay ko yan sa parents ko. Pero ang pinakagusto kong comment, yun comment ng nephew ko, si guenne. Sabi niya nung nakita niya yun painting, "WOW, tito ang ganda naman ng painting mo." ang cute, may WOW pa. Marami pa akong kwento tungkol sa mga nephews ko pero sa susunod nalang na mga post.

Kahit hindi ako magaling magpaint or magdraw, pwede ko paring ipagmaliking "ARTIST AKO". Ngayon ko lang sasabihin yan. Salamat sa kaibigan kong nangulit sa akin na sabihin ang mga salitang iyan.

Conversation with clebibadoobi:
clebibadoobi: sabihin mo
clebibadoobi: artist ako!
clebibadoobi: repeat!
clebibadoobi: dali!
speedy_d_g: artist ka
speedy_d_g: ayyyy mali
speedy_d_g: artist ako
speedy_d_g: kahit hindi
speedy_d_g: hehehe
clebibadoobi: grr
speedy_d_g: hehe
speedy_d_g: sige po
speedy_d_g: "ARTIST AKO"


Kausap ko yun friend ko kanina sa YM. Nakwento ko kasi yun isang girl sa kanya sa ibang floor. Then tinutukso niya ako dun sa isang girl na yun. At nagdrawing siya sa doodle. ito ang drawing niya.
Siya ang nagdrawing ng moon,sky,at yun lovers. Hehe. Ako ang nagcolor ng sky and naglagay ng stars. so technically kasama ako dito sa pagdraw. Sabi niya ako daw yun guy and yun girl ay yung girl sa ibang floor. Ang sabi ko sa kanya, siguro ako nga yun guy dun sa drawing. Pero sa ngayon wala pa yun girl sa tabi ko. Parating palang siya. hahaha. Sana nga makita ko yun girl na kasama ko sa drawing...na katulad kong hindi magsasawang tumingin sa mga bituin at magsimulang mangarap, at sana rin hindi siyang magsawang makasama ako. (wala sanang kumontra...minsan lang ako ganyan)

Monday, June 27, 2005

I need COFFEE!


THE MAYONNAISE JAR AND THE 2 CUPS OF COFFEE
When things in your life seem almost too much to handle, when 24 hours in a day are not enough, remember the mayonnaise jar... and the two cups of coffee.
A professor stood before his philosophy class and had some items in front of him. When the class began, wordlessly, he picked up a very large and empty mayonnaise jar and proceeded to fill it with golf balls. He then asked the students if the jar was full.
They agreed that it was.The professor then picked up a box of pebbles and poured them into the jar. He shook the jar lightly. The pebbles rolled into the open areas between the golf balls. He then asked the students again if the jar was full. They agreed it was.The professor next picked up a box of sand and poured it into the jar. Of course, the sand filled up everything else. He asked once more if the jar was full. The students responded with a unanimous "yes".
The professor then produced two cups of coffee from under the table and poured the entire contents into the jar, effectively filling the empty space between the sand. The students laughed. "Now", said the professor, as the laughter subsided, "I want you to recognize that this jar represents your life."
"The golf balls are the important things -- your God, family, your children, your health, your friends, and your favorite passions -- things that if everything else was lost and only they remained, your life would still be full. The pebbles are the other things that matter like your job, your house, and your car. The sand is everything else -- the small stuff.
"If you put the sand into the jar first", he continued, "there is no room for the pebble or the golf balls. The same goes for life. If you spend all your time and energy on the small stuff, you will never have room for the things that are important to you. Pay attention to the things that are critical to your happiness. Play with your children. Take time to get medical checkups. Take your partner out to dinner. Play another 18. There will always be time to clean the house and fix the disposal. Take care of the golf balls first, the things that really matter.
Set your priorities.
The rest is just sand".One of the students raised her hand and inquired what the coffee represented. The professor smiled "I'm glad you asked. It just goes to show you that no matter how full your life may seem, there's always room for a couple of cups of coffee with a friend".
kahit 3-in-1 coffee lang yan ok na.oh di kaya kapeng barako...or black coffee pwede na yun...pero mas maganda ring kung starbucks, kung gusto niyo. basta kape ok na!

Saturday, June 25, 2005

Kasama ko si Kuya Germs

This week is a different week for me. I was asked to work on the night shift (from 10pm-6am) because I have to finished the clean-up project for my specialization (PROXY FIGHT RESEARCH). Hindi niyo na maintindihan ang sinasabi ko noh? ako rin eh. Kasi antok nako. Super hirap mag-adjust. Kulang ako sa tulog kasi hindi ako sanay na matulog ng mahaba sa araw. Kaya paputol-putol ang tulog ko, sakit sa ulo. Sanay kasi akong nagigising ng 6am. Pero this week 6am pa lang ako matatapos sa work.

Nung isang araw three hours lang tulog ko kasi nung nagising ako, NBA finals, so nanood ako. After ng game, hindi na ako makatulog. So nagbasa nalang ako ng manual para sa training ko for the repurchases research, ang bago kong assignment. Ang ganda ng pangalan noh.

Ang repurchase ay ang pagbili ng mga companies ng stocks and shares. ahhh, parang totong naiintindihan ko kahit hindi naman talaga. Tapos nung nagtraining ako sa nasabing research, with Mike Bengkert, using the webex(conference call) he told me that there are 3,700 pending repurchases deals that should be updated. But he also told me that some analyst from the states will help me to update the deals. At ito pa....on the average, it will take 4 hours for an analyst to update just one deal. So parang sinabi niya na dalawang deals ako everday. eh ilang araw ko gagawin ang 3700 deals. Tapos nakuha pa niyang magjoke. "in order for you to finish the clean up, it will take you 2-3 years" Eh lokoloko pala itong kano na ito eh. Biruin mo gusto niyang gawin ko ang mga bagay na yun ng 2-3 years. Helloooo! tatlong buwan nga lang gusto ko ng umalis dito, kasi masyadong paulitulit nalang. walang creative part. walang noel dito sa work na ito. isang lang akong makina na paulitulit lang ang ginagawa. ito nanaman ako, nagrereklamo.

Tapos he also warned me that I should drink a lot of coffee because the past analysts who worked on the research, fell asleep while reading the filings. Sino ba naman hindi makakatulog dun, eh isang filing mga 50-100 pages. tapos yun iba paulitulit lang. ano ba yun. hindi ba sila napapagod. haaay nako. Pero medyo fun din, kasi challenge ito sa akin. Kaka-migrate lang kasi ng repurchase research dito sa Philippines, so ako ang pioneer, kasi ako lang magisa ang na-assign dito sa Phil. Ako ang may pinakamataas na position sa research na yun. Kumbaga ako ang SENIOR ANALYST. pero, wala nga lang tao sa baba ko. hahaha.

at ang problema pa, walang taong may alam dito ng research na yun, so sino tatanungin ko kung may problem ako, or kung may hindi ako naiintindihan? eh di si Mike Benkert and Betty Williams, taga-states. Either tatawagan ko sila or sa YM. good training for my communication skills. pero sana lang talaga tumaas ang sweldo ko.

Anyway, today is the last day of work. Yahoo! AT least masasabi kong productive ako kasi kahit friday night nagwowork ako compared to those people who go out and party till they drop.hahaha.BITTER. Its almost 8am, and hindi na ako inaantok.pero ang katawan ko gustong magpalibing at mamahinga na ng tuluyan.

Buti nalang at nakatatak sa utak ko ang sinabi ni KUYA GERMS "WALANG TULOGAN" kaya hindi ako inaantok habang nagtratrabaho ngayon linggo. salamat kuya germs. ang bait mo, naway patulogin ka na ni lord.

Monday, June 06, 2005

SILENT KILLER!!!

unang post ko ito. hahaha

halata bang true blue? si chi may kasalanan niyan.

Pero salamat parin kay Chi sa pagtulong sa pagpapaganda ng blog na ito. Kahit blue na blue. Halatang madami siyang oras na pwedeng igugol sa pagpili ng mga kulay at font, at sa pag-edit sa template. salamat tlaga ng marami.

Bakit kaya Utot Mong Blue ang nilagay ni chi dito?....hmmmmm
Para may masabi lang, gawan natin ng dahilan.

Siguro masasabi ko lang na ang buhay parang utot. May mga utot na mabaho,walang amoy, may tunog o silent killer. May utot na putol-putol. Meron din mahaba, at meron ding cute. Anong kinalaman nito sa buhay. Hindi ko sinasabi na ang buhay ay mabaho. Pero ang buhay parating may darating na mga bagay na hindi mo inaasahan. Maaaring may epekto ito sa iyo o sa ibang tao (mabahong o malakas na utot). Paminsan naman may mga bagay na dumadaan lang (walang amoy na utot). At ang pinakamalupit, ang slient killer. may mga bagay na hindi natin nalalaman na nandyan, pero hindi natin alam na may epekto pala ito sa atin at sa ibang tao. Ito ang mga bagay na hindi natin pinapansin hangga't maamoy nalang natin. Ito ang mga maliit na mga bagay na sa unang tingin, in this case unang amoy, walang halaga. Ngunit, datapwat, ito pala ay magbibigay ng isang malaking pagbabago sa ating buhay. maaring umalis tayo at lumipat sa ibang lugar dahil sa amoy. o maaring tumawa nalang tayo at magsaya. pero ano ang tamang gawin. dapat natin itong amoyin at lasapin, at bigyan halaga. Hindi ito literal....ang ibig ko lang sabihin, dapat pansinin natin ito kahit utot lang ito, "isang hangin na dumaan". kapag pinansin natin ito, maaring may makuha tayong mahalagang bagay. maari tayo matuto dito. halimbawa may silent killer, ang reaction ng mga tao, lumayo. so sa susunod na maramdaman mo yun, lalayo ka at maigiingat sa pagpapasabog.

MAy mga utot na paputol-putol, parang mga taong pasulpot-sulpot. Pero ang pinakagusto ko ang mahabang utot, parang mga taong nandyan at hindi umaalis.(TAMA BA YUN ICOMPARE ANG MGA TAO SA UTOT)

may mga bagay sa buhay natin na kailangan dumaan, may epekto man ito o wala. may mga bagay na hindi natin namamalayan na nandyan....parang mga taong mahalaga na hindi natin napapansin. may mga silent killer or surprises na dumadating, mga bagay na hindi natin inaasahang magbibigay ng isang malakas na dating sa buhay natin.

sa ibang pagkakataon, may mga utot na hindi natin makakalimutan. kaya bago ko maisipan na baguhin ang title ng blog na ito, gusto ko lang sana sabihin na naging inspirasyon para sa akin ang mga kaibigan ko. salamat sa pag-utot niyo sa buhay ko. kayo ang mga totoong UTOT ...kayo ang mga silent killers na hindi basta-basta, kayo ang utot na may may kasamang tae, kayo ang mga utot na hindi makakalimutan. sana lang sa pagbabasa niyo ng una kong post, ma-utot kayo, este....mapansin niyo na ang mga utot sa buhay niyo.

kailangan ko na itong tapusin at medyo mabaho na dito....hehehehe