Wednesday, June 29, 2005

Anong gagawin mo?





Ano ang gagawin mo kung naiwan ka sa isang building na magisa? o di kaya pag nasaraduhan ka na sa mall? eh, ano naman ang gagawin mo kung masaraduhan ka sa underpass? ....

Late na ako nakaalis ng office kagabi, mga 945pm. Sabay kami uuwi ng ate ko na nagtratrabaho sa Tower 1, 2 blocks away from our building. So may dalawang underpass akong dadaanan papunta dun sa building niya. Sa unang underpass, nakadaan pa ko. Tapos dun sa second, nakapasok pa ako. Pagbaba ko sa underpass, may ilaw pa. Pero nung nasa baba na ako, biglang sinirado yun railings/gate kung saan ako pumasok. so nung nakita ko na sinisirado na nila, tumakbo agad ako dun sa kabilang end kung saan dapat ako lalabas. pero pagdating ko dun sa dulo, nakita ko sa taas na sirado na. Tapos bumalik ako para pumunta dun sa opposite side. Nung malapit na ako sa gitna, bigla nilang pinatay ang ilaw. waaaaah. scary talaga. Yung tatlo gates sirado na, isa nalang yun bukas. buti nalang nakasigaw yung isang babae na "MANONG SANDALI LANG"

ito ang map nung dinaanan ko.

Buti nalang may taong sumigaw kung hindi maiiwan kami sa underpass ng buong gabi. Siguro mga anim kami dun.Syempre hindi ako sigurado kasi madilim. At ang malupit pa nun, 2 pesos nalang credits ko. At syempre kung makatext man ako, may magagawa ba yun taong natext ko? san nila hahanapin yun taong may susi?

...ang moral ng story ay dapat wag kayong dadaan ng underpass ng 930-10pm at baka masiraduhan kayo. o di kaya, dapat parati kayong may dalang gatorade. para sa mga lalaki lang yun, kasi baka maihi kayo pag nakulong kayo. hahaha. Sa mga babae naman, siguro dapat may dala kayong batya. paalala lang naman!

Pero malamay mo, ok pala ang mga kasama mo. yun nga lang malalaman mo kung ano itsura nila gamit ang mga cell phones or malamang makikita mo sila ng buong-buo sa umaga na.

1 Comments:

At July 03, 2005 3:13 PM, Anonymous Anonymous said...

hey kuya!! ang lalim ng tagalog mo huh?! grabe.. nde na aq sanay.. haha.. anywayz,, ngaun q lng dn na-realize. puno pla ng utot ang buhay ng tao.. hehe..
cge. napadaan lng.. yngatz n lng!!

 

Post a Comment

<< Home