Monday, June 06, 2005

SILENT KILLER!!!

unang post ko ito. hahaha

halata bang true blue? si chi may kasalanan niyan.

Pero salamat parin kay Chi sa pagtulong sa pagpapaganda ng blog na ito. Kahit blue na blue. Halatang madami siyang oras na pwedeng igugol sa pagpili ng mga kulay at font, at sa pag-edit sa template. salamat tlaga ng marami.

Bakit kaya Utot Mong Blue ang nilagay ni chi dito?....hmmmmm
Para may masabi lang, gawan natin ng dahilan.

Siguro masasabi ko lang na ang buhay parang utot. May mga utot na mabaho,walang amoy, may tunog o silent killer. May utot na putol-putol. Meron din mahaba, at meron ding cute. Anong kinalaman nito sa buhay. Hindi ko sinasabi na ang buhay ay mabaho. Pero ang buhay parating may darating na mga bagay na hindi mo inaasahan. Maaaring may epekto ito sa iyo o sa ibang tao (mabahong o malakas na utot). Paminsan naman may mga bagay na dumadaan lang (walang amoy na utot). At ang pinakamalupit, ang slient killer. may mga bagay na hindi natin nalalaman na nandyan, pero hindi natin alam na may epekto pala ito sa atin at sa ibang tao. Ito ang mga bagay na hindi natin pinapansin hangga't maamoy nalang natin. Ito ang mga maliit na mga bagay na sa unang tingin, in this case unang amoy, walang halaga. Ngunit, datapwat, ito pala ay magbibigay ng isang malaking pagbabago sa ating buhay. maaring umalis tayo at lumipat sa ibang lugar dahil sa amoy. o maaring tumawa nalang tayo at magsaya. pero ano ang tamang gawin. dapat natin itong amoyin at lasapin, at bigyan halaga. Hindi ito literal....ang ibig ko lang sabihin, dapat pansinin natin ito kahit utot lang ito, "isang hangin na dumaan". kapag pinansin natin ito, maaring may makuha tayong mahalagang bagay. maari tayo matuto dito. halimbawa may silent killer, ang reaction ng mga tao, lumayo. so sa susunod na maramdaman mo yun, lalayo ka at maigiingat sa pagpapasabog.

MAy mga utot na paputol-putol, parang mga taong pasulpot-sulpot. Pero ang pinakagusto ko ang mahabang utot, parang mga taong nandyan at hindi umaalis.(TAMA BA YUN ICOMPARE ANG MGA TAO SA UTOT)

may mga bagay sa buhay natin na kailangan dumaan, may epekto man ito o wala. may mga bagay na hindi natin namamalayan na nandyan....parang mga taong mahalaga na hindi natin napapansin. may mga silent killer or surprises na dumadating, mga bagay na hindi natin inaasahang magbibigay ng isang malakas na dating sa buhay natin.

sa ibang pagkakataon, may mga utot na hindi natin makakalimutan. kaya bago ko maisipan na baguhin ang title ng blog na ito, gusto ko lang sana sabihin na naging inspirasyon para sa akin ang mga kaibigan ko. salamat sa pag-utot niyo sa buhay ko. kayo ang mga totoong UTOT ...kayo ang mga silent killers na hindi basta-basta, kayo ang utot na may may kasamang tae, kayo ang mga utot na hindi makakalimutan. sana lang sa pagbabasa niyo ng una kong post, ma-utot kayo, este....mapansin niyo na ang mga utot sa buhay niyo.

kailangan ko na itong tapusin at medyo mabaho na dito....hehehehe

4 Comments:

At June 07, 2005 12:51 AM, Blogger Sex her up said...

Well if you find true love, let me know. I don't there there is such things that exists in life, perhaps in the next one.

prleet@yahoo.com
http://www.mylifetipualigda.blogspot.com

 
At June 13, 2005 12:06 PM, Blogger Drama Queen Amrie said...

ang drama naman! haha.. musta na noel?

 
At June 23, 2005 12:07 AM, Blogger chi said...

tag ka nang tag sa mga blog namin, pero wala kang oras mag-update nito. ano ba yan? =D

 
At June 23, 2005 8:23 AM, Blogger stargazer said...

NOEL!!!!!! so, you're bloggin' na rin pala! bwahahaha! nampucha, miss na kita! mag-iingat ka lagi

 

Post a Comment

<< Home