Sunday, August 12, 2007

I offer ALL To You.

Malungkot ako sa mga nakaraang linggo. Malungkot kasi may gusto akong makasama kaso hindi pwede sa ngayon. Malungkot ako kasi may gusto akong makausap kaso hindi din pwede. Malungkot ako kasi feeling ko wala ng direction ang buhay ko. Malungkot ako kasi wala akong nilulook forward sa paggising ko sa umaga. Malungkot ako kasi wala na akong nakikitang purpose sa mga bagay na ginagawa ko. Oo nagagawa ko yung mga bagay at makikita ko ang surface ng purpose ng ginagawa ko. Kaso hindi ko na nakikita ang pinakapurpose ng buhay ko. Kung bakit ako nabubuhay. Marami kasi akong insecurities sa buhay. Pero naniniwala ako na kayang kaya kong magbago. Mahirap pero walang imposible.

Pero masaya ako kasi kahit malungkot ako nararamdaman ko na may napapasaya akong tao. Yun lang naman ang hangad ko. Makapagpasaya ng tao. Makapagturo sa mga tao. Maraming beses na akong naging selfish. Kaya para maitama ko naman ang mali ko kahit papaano, kailangan gumawa ng mga bagay kahit masakit para sa akin. Kailangan ko lang makita ang kabutihan at kagandahan ng bawat bagay. Nararamdaman ko na masaya na ang taong pinakamamahal. Sana lang maging masaya ka na talaga. Sana lang malaman mo na mahal na mahal kita.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong naniniwala sa kakayahan ko. Maraming salamat sa mga payo ng mga kaibigan ko. Maraming salamat at kahit marami akong pagkakamali nanatili kayong naniniwala na isa akong mabuting tao. maraming salamat. Kailangan ko lang talagang maniwala sa sarili ko, at maniwala na hindi ako papabayaan ng Diyos.

2 Comments:

At August 15, 2007 5:18 AM, Anonymous Anonymous said...

hi kuya! kamusta ka na? long time no hear huh?!! baket parang ang emo ng entry mo?? ano na balita sa'yo?

-jr

 
At August 16, 2007 8:05 PM, Blogger noel said...

Ayun medyo malungkot. pero kaya ko ito. kayo, musta na?

 

Post a Comment

<< Home