Sana Ganito Nalang
Pwede ko siguro i-suggest ang ganitong setting sa management ng Thomson, para sa mga katulad naming panggabi. Mukha namang maganda diba? siguro pwede pang lagyan ng foam sa likod para mas ok.
Sabi ng iba ok ang shift namin kasi habang busy ang mga tao, kami tulog. at kung iisipin, mas mahaba pa ang tulog namin. Pero para sa akin iba parin ang tulog sa umaga. Maliwanag na mainit pa! at syempre dahil busy ang mga tao, maingay sa labas. Nung nagumpisa ako sa night shift, medyo kinaya ko naman. Pero ng tumagal, medyo mahirap din. To be specific, syempre pag monday, gigising ka ng maaga. Tapos pwede kang matulog sa tanghali, para may lakas ka sa pagpasok mo sa gabi. Matatapos ang pasok mo sa office ng 6am. So matutulog ka, tapos kakain na ng mga 2pm or 3pm. Tulog ka ulit. Tapos pasok ka nanaman ng gabi. Kakain ng mga 9am. So mag-aadjust ang time ng pagkain mo at ang pagtulog mo. Kailangan mag-aadjust ang araw mo. Pero pano naman pagdating ng saturday? matatapos ka ng 6am, syempre tutulog ka. labas ka ng gabi. uwi ka ng mga 11 or 12. So matutulog ka na. Ililipat mo yun pagtulog mo. Tapos sunday gigising ka nga maaga para mag-mass. Sa balik ka nanaman sa normal na buhay. Pagdating ng monday, iibahin mo nanaman ang oras ng pagtulog mo.
So talaga kawawa ang katawan mo. Paibaiba ang tulog at oras ng pagkain. Buti nalang may vitamins. Buti nalang!
Sana pwede ito! hehehe!
*i got the picture from an email*
2 Comments:
e kasi, hindi mo naman kailangan pumasok nang maaga.. diba 10 pa ang shift mo? e bakit 6 pa lang, nasa office ka na? sayang naman yung oras mo na itinulog mo na lang sana...
=D
ayaw ko magbiyahe ng gabi. and kasi para pagdating ng 10, nagstart na ako magwork. wala ng checkcheck ng email. and isa lang masasabi ko, wala pakialaman. hehehe
Post a Comment
<< Home