Brand New Week
Maaga akong nagising ngayon, 5am! grabe ang aga ko kasing natulog kagabi. 10pm palang tulog na ako. ang sakit kasi ng katawan ko kasi nagbasketball ako nung sat and nag-gym nung sunday. kaya yun, bagsak pagkahiga. bagong taon na kaya dapat bagong buhay na. BAWAL na ang malate. Pero kahit late kami dito sa office, wala namang bawas sa sweldo. hehehe. kahit na maraming work, ang ok dito sa Thomson, pwede kang malate na walang bawas sa sweldo. tapos pwede kang magbreak ng dalawang oras. Anyway, wala kaming pasok bukas kasi Martin Luther Holiday. Actually, every third monday of January yun. pero kasi magkaiba ang time ng Phil and US, pag walang pasok sa US, kinabukasan pa kami walang pasok. So sa US walang pasok mayang gabi, kami tom ang holiday namin. PERO...isang malaking pero. Dahil may training kami tom. kailangan namin pumasok. sa training na yun, may dalawang member from each team ang pipiliin para mag-attend ng training. at isa ako dun. kaya yun, kailangan kong pumasok. At ito pa, 30 mins lang ang training. biruin mo yun. badtrip talaga! mas matagal pa ang travel time ko kaysa sa pagstay ko dito. kaya tom, bahala na kung magwork nalang ako. para hindi ako matambakan ng work. siyempre talagang ganun pag masipag. (walang kokontra) Ngayon 4 deals lang ako. tapos na ako kanina pang 11. so ngayon, nagbloblog lang ako. mamaya, maguupdate lang ng ibang deals. tapos mga 2 may league table training ako. kaya yun. Kinakabahan na ako, by end of january, 4 nalang kami sa US team na dating 11. Lahat ng mga matatagal, aalis na. tapos puro lalaki pa kaming matitira. umalis na yun manager and senior analyst namin. biruin mo, 9 months palang ako, ituturing na akong isa sa pinakamatagal dito. grabehan na ito. goodluck nalang talaga sa akin. siguradong pagdating ng feb, patayan na ito. kaya kung sinong pwedeng magalok ng maganda at DESENTENG trabaho, email niyo naman ako. |
0 Comments:
Post a Comment
<< Home