Wednesday, January 11, 2006

malungkot pa sa malungkot

walang perpektong tao sa mundo. lahat tayo nagkakamali. may mga panahon na nagkakamali tayo at nakakasakit. ang una nating kailangang gawin para maitama ang mga maling nagawa natin, ay aminin at tanggapin ang ating pagkakamali. At dahil alam nating mali tayo, malalaman natin kung ano ang kailangan nating gawin. hindi nagtatapos dun, kailangan gumawa tayo ng paraan para maipakita na nagsisisi na tayo at gusto nating magbago. gagawa tayo ng mga bagay para maipadama na ayaw na nating ulitin ang mga mali natin at hindi na nating sasaktan ang mga nasaktan natin dahil sa mga mali na iyon.

pero, hanggang kailan...hanggang kailan natin gagawin ito? paano kung gusto nating magbago, pero ang mga tao sa paligid natin ay hindi matanggap na gusto nating magbago? paano kung ang mga tao nakakasama natin ay hindi naniniwala sa mga ginagawa natin? tatanungin ka nila, kung hanggang kailan mo gagawin, baka ulitin mo rin yun mali mo. maaaring mangyari ulit yun. may posibilidad. pero kung natuto kana, at gusto mo talagang magbago, gagawa ka ng paraan...pero kung walang naniniwala sa iyo at yung taong inaasahan mong maniniwala sa iyo, hindi rin nainiwala... ano ang gagawin mo?

sana may powers nalang ako.....hahaha...at hindi lang powers...ito'y super powers. Yung tipong, umuusok pa. at nagtratransform. Kailang ko ilabas isang daang porsiyento. hahaha, Ang labo!